Thursday, September 15, 2016

Wikang Filipino sa Social Media

SA LIPUNANG MAYROON ANG MUNDO NGAYON, SADYANG MAKIKITA ANG SARI-SARING PAGBABAGO AT PAG-UNLAD NG IBA’T-IBANG BAGAY MULA SA PANANAMIT, MAGING SA WIKA AT MGA SALITA. ILAN SA MGA SANHI NITO AY ANG PAGTAAS NG KALIDAD NG TEKNOLOHIYA, ANG PAKIKISABAY SA USO NG MARAMI AT ANG PAGGAMIT NANG LABIS SA KARAPATANG KALAYAAN SA PAGPAPAHAYAG. ANG MGA ITO AY MADALAS MASASAKSIHAN NG LAHAT SA SOCIAL NETWORKING SITES, MGA PALABRAS SA TELEBISYON, PROGRAMA SA RADYO AT MGA NAKASAAD SA PAHAYAGAN.
HINDI MAIKAKAILANG MARAMING SALITA ANG MULING UMUUSBONG NA DATING NAIBAON. GAYUNPAMAN, ANG PAGLITAW NG MGA SALITANG ITO AY MAY TAGLAY NANG IBANG KAHULUGAN DAHIL SA MARAMING IMPLUWENSYA – ISA NA RITO ANG MEDIA. DAHIL SA MARAMING PILIPINO ANG KAISA SA INTERNET, NAGKAKAROON NG MALAWAKANG PAG-PAPAHAYAG NG DAMADAMIN AT KAISIPAN, KAYA UMUUSBONG NA RIN ANG MGA SALITANG BAGO SA ILAN AT TANGING NAIINTINDAHAN LAMANG NG MGA AKTIBO SA SOCIAL MEDIA.
BILANG KABATAAN NG MODERNONG PANAHON, SAKSI SILA SA MGA PANGYAYARI KUNG SAAN UNTI-UNTING NAIBAON ANG WIKA NOONG UNANG PANAHON, AT MULI NAMAN ITONG UMUUSBONG SA MEDIA. ANG MGA KABATAAN AY PARTE NG PAGBABAGO NG IBA’T-IBANG BAGAY KATULAD NG WIKA DAHIL SILA AY KABILANG SA HENERASYON NA MALAKI ANG KAPASIDAD NG PAGTUTUKLAS. DAHIL DITO, MALINAW NILANG NASUSUBAYBAYAN ANG MGA PAGBABAGONG NAGAGANAP SA PALIGID – PARTIKULAR NA ANG WIKA.
MARAMING NASASAKSIHANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG ANG MGA KABATAANG MAG-AARAL NA SANGKOT SA HALOS LAHAT NG URI NG MEDIA. ANG ILAN AY NANG-AABUSO NG KANILANG KALAYAAN SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG MGA SALITANG HINDI KAAYA-AYA AT HINDI KATANGGAP-TANGGAP.TULAD NG MGA SALITANG GIANAGAMIT NG MGA NETIZENS NA SALITANG NAKAKASAKIT NA SA DAMDAMIN NG IBANG TAO, TUWING SILA AY MAY HINUHUSGAHAN O DI KAYA NAMAN AY MAY KAAWAY SILA DITO. MGA SALITANG GAYA NG, SHUNGA, GAGO, BOBO AT IBA PA. ANG ILAN NAMAN AY GUMAGAMIT NG MGA SALITANG HINDI NAUUNAWAAN NG KARAMIHAN. TULAD NG SALITANG “JOWA” O KARELASYON, “KABOG” O TALO,   “JUNAKIS” O ANAK, AT MARAMI PANG IBA.
SA PAMAMAGITAN NG NABUONG KONSEPTONG PAPEL NA ITO, NINANAIS NG MGA MAG-AARAL NA MAPAISIP AT MAPAKILOS ANG MGA MAKAKABASA NITO. DAHIL DITO, MABUBUO ANG KANILANG KAMALAYAN AT RESPONSIBILIDAD SA PAGGAMIT NG MGA BAGONG SALITA NA KANILANG NATUTUTUNAN SA MEDIA.
ANG KONSEPTONG PAPEL NA ITO AY MAY PINAKAMALAKING TUON SA KABATAANG KABILANG SA MGA PANGYAYARI SA MEDIA. ITO AY UPANG MAIPAHATID SA KANILA ANG DAHILAN, EPEKTO, AT KAHALAGAHAN NG PAG-UUGNAYAN NG WIKA AT MEDIA. DAHIL DITO, ANG ADBOKASIYANG ITO AY MAGIGING GABAY NILA UPANG MAGING MULAT, MAINGAT AT MAY KAALAMAN ANG MGA TAO SA PARAAN NG PAGGAMIT NG WIKA O NG SALITA.
KASABAY NG PAGLIPAS NG PANAHON, AY SYA RING PAGLIPAS NG WIKA. MAY MGA SALITA NOON NA HINDI NA ALAM NG HENERASYON NGAYON. ANG MGA SALITANG
NAKALIMUTAN NA AY NAPAPALITAN NG BAGO DAHIL SA MGA PAGBABAGO RIN SA MARAMING BAGAY – ISA NA RITO ANG MEDIA.
GAYA NG IBA’T-IBANG GAMIT, SUMASABAY RIN SA USO ANG WIKA. NAGKAROON NG PAG-USBONG NG MODERNONG TEKNOLOHIYA AT PARAAN NG KOMUNIKASYON KAGAYA NG TEXT MESSAGING AT SOCIAL MEDIA. DAHIL DITO, HINDI MAITATANGGING NAGKAKAROON NG PAGBABAGO SA MGA SALITANG GINAGAMIT AT ANG KAHULUGAN NITO. MAY MGA SALITANG NAIBAON NA, MERON NAMANG GINAGAMIT PA RIN NGUNIT IBA NA ANG PAKAHULUGAN.
NAPATUNAYAN ITO SA ISANG SURVEY NG ISANG NETWORK SA TELEBISYON NA NAGSAGAWA NG EKSPERIMENTO TUNGKOL SA KAALAMAN NG MGA TAO SA MGA SALITANG GINAGAMIT NOON. NANG ITANONG NG REPORTER ANG KAHULUGAN NG ILANG LUMANG SALITA, ISA LAMANG ANG NAKASAGOT NG TAMA – ANG MATANDANG LALAKI NA 74 ANYOS. AYON SA KANYA, BAGAMAN GINAGAMIT PA ANG NABANGGIT NA MGA SALITA, MARAMI NA RIN UMANO ANG HINDI ALAM ANG KAHULUGAN NITO, LALO NA ANG MGA KABATAAN. AYON NAMAN KAY VIRGILIO ALMARIO, ISANG NATIONAL ARTIST FOR LITERATURE, ANG HINDI PAGGAMIT NG ILANG SALITANG PINOY AY PARANG PERA NA NAWAWALA SA SIRKULASYON. HINDI RAW ITO NAMAMATAY, NGUNIT HINDI ITO NAGAGAMIT O HINDI IN-CURRENCY. SABI PA NIYA, BUHAY ANG WIKA KAPAG NAKAKASABAY ITO AT BUMABAGAY SA TAWAG NG PANAHON.
WIKA ANG SADYANG NAGBUBUKLOD SA MGA TAO SA ISANG LUGAR O BANSA. KAYA NAMAN, NAPAKA-HALAGA NG PAGKAKAINTINDIHAN SA MGA SALITANG GINAGAMIT – LUMA MAN O BAGO. ANG MAHALAGA’Y HINDI MAKAKALIMUTAN ANG RESPETO SA PAGGAMIT NITO, AT ANG NAIAMBAG NG MGA NAKALIPAS NA PANAHON.
MAHALAGANG MAGING SENSITIBO ANG MGA “NETIZENS” SA PAGGAMIT NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG SA MEDIA. MARAMI ‘MANG MGA PAHAYAG NA MAGAGANDA AT IMPORMATIBO, MARAMI PA ‘DIN ANG MGA PAHAY NA HINDI MAGANDA SA PANDINIG NG IBA. HINDI ‘MAN NILA ITO MADALAS NAPAPANSIN AY MARAMING IBANG TAO ANG NAAPEKTUHAN SA MGA NABABASA NILA, LALO NA ANG MGA MAS NAKATATANDA NA MAS SENSITIBO SA GANITONG MGA BAGAY.

No comments:

Post a Comment